December 11, 2010. Stress ako noon. Bukod kasi sa magrereport ako nung araw na yun, eh, di ko pa feel na makasama yung isa sa kagroup ko (well that’s another issue). Kabado kasi alam ko sa sarili ko, kulang yung information na nakuha ko. Hahaha bakit nga ba ako nagkukwento nang nangyari nun. Eh disaster nga diba. Hahaha….
That was 12:10 in the afternoon (if I am not mistaken). Pabalik na kami ng tatlo sa classmates ko sa school. It was so strange. Nakakita kami ng mga babaeng nagkukumpulan sa isang lugar kung saan kami dadaan. Ewan pero parang hinahatak ang mga mata ko na tumingin sa mga nagkukumpulang babaeng yun. Moreover, nagbigay sila ng barya sa isang lalaking halos nakadapa na sa semento. No. It’s not halos. Talaga palang nakadapa na sya sa semento. Trying to be strong keeping his right hand on its place para mamalimos. Halos madapa dapa at makabunggo na ako ng makakasalubong ko sa daan sa kakatingin sa kaawa awang lalaking yun. Pitiful. Bigla kong natanong yung classmate ko ng, “bakit kaya may ganitong mga tao? Bakit kailangan nilang makaranas ng ganitong kalupit na sitwasyon?”. Oo na lang. Hindi yata ako narinig nung classmate ko kasi nagmamadali kaming pumasok nun. 10 minutes na kaming late. Pero hindi lang dun natapos ang nakita ko. Nakalampas na kami sa lalaki yun. Ang sumunod naman ay mag-ama yata yun. Isang gusgusing lalaki na hindi naman ganun katandaan ang nakaupo sa may unang hakbang ng isang tindahan. Maaring anak niya yung batang nasa tabi nya na nakaupong naglalaro. Nasa dalawang taon lang sya. Gutom pa sa buhay ng pagiging bata. Hubo. Nagtanong ulit ako. “Nasaan ba ang mga taong dapat na nag-aaruga sa kanila. Nasaan ang asawa nya na dapat ay nasa bahay kasama sya, ipinaghahanda ng tanghalian. Nasaan ang ina ng musmos na batang iyon na dapat ay inihehele siya o di kaya’y ipinagtitimpla ng gatas”. Pero sa sarili ko na lang kasi, baka di na naman ako marinig nung pagtatanungan ko.
Ayos. Nakasurvive na naman ako sa report ko. What else is new. Lagi namang ganun eh. Sa una feeling ko, palagi akong kabado. But later on, di ko namamalayan, tapos na pala yung report ko. I carry on. And then, ayun na nga. I just finished with my report. Uwian na. Nagtetext pa nga ako sa daan kaya hindi ko napapansin kung nasaang banda na ba ako. Nakakagulat. Nasa sa U.N na pala ako. Wow! Ang daming bata sa may tapat ng high school na malapit sa U.N LRT station. Pero teka. In that point of time, I assumed that there’s something wrong. Nakaupo sila sa may sahig. Habang ang ilan, nakahilata. Natigilan ako. Sila yung batang dapat ay nasa kanilang mga tahanan. Naglalaro. Natutulog. Nag-aaral. Kasama ang pamilya. Pero bakit sila nandun? Suot suot ang kanilang madudungis na damit. Walang mga tsinelas na dapat ay pumuprotekta sa kanilang mga palaboy na paa. Habang hinithit ang kung anumang bagay na nasa loob ng hawak nilang plastik. So miserable. That’s not the condition I am dreaming for all the children of God. Hope in their eyes gluttonous eaten by the thieves of life. Isinilang silang may ngiti ang kanilang mga ina at ama dahil sila raw ay hulog at regalo ng Diyos. But in an instant, all of the good opportunities have gone all. Walang itinira sa kanila kundi poot at tanong kung bakit sila ay isinilang pa. How will I help them realize that life never ends there? That there’s always chances para maipagpatuloy ang buhay nila ng masaya. Paano nga ba maliliwanagan ang isipan nilang bagama’t ganoon ang kanilang naranasan, ay anak pa rin sila ni God, at nasa Paraiso sila. Paano nga ba? Kung ang tirahan nila ay ang mabangis na lansangan. Butas-butas na kariton. Masahol dito’y, bundok ng basura ang nagsilsilbing higaan nila. Nakakalungkot. Is life made for it? You’re still alive but you look like departed. How many lives living here in the world and how many lives came to glimpse them. Wala. Wala kaya nanatili silang boardmates ng lansangan. Fastfood ang mga basurahan.
At habang ginagawa ko to, naalala ko yung movie na “Angels of Heaven”, saka "2012". Ayoko nang idetalye ang 2012, di pa kasi kayang tanggapin ng utak at puso ko na mangyayari raw ito on December 21, 2012. Hay... Very frustrating. Inisip ko nga, If I took them a photo for this blog. On the other side of my mind, baka naman isipin nila, pinag-iinteresan ko ang istorya ng kanilang buhay. Hinayaan ko na lang... Wala rin naman akog magagawa kundi idaan ang nararamdaman ko sa kanila sa pagsusulat. Sa blog. Ngayon kaya ? Kumain na kaya sila ?